Ang kasalukuyang integratibong rebyu ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura ay naglalayong alamin at unawain ang mga danas at persepsyon ng mga mag-aaral sa face-to-face at online learning. Mula sa nakalap na 20 pag-aaral gamit ang Google Scholar, 17 ang pinal na bilang ng mga sinuring papel batay sa mga pamantayang angkop sa proyektong na nais isagawa sa pagsasaliksik. Gamit ang mga pangunahing salik o dimensyong Course Structure/Organization, Social Interaction, Student Engagement, at Student Satisfaction, tinimbang at sinipat ang ugnayan ng mga nakalap na sanggunian. Ilan pang mga salik bukod sa mga naunang binanggit ang nakapagpaunlad sa pag-unawa sa tala ng mga kalahok sa bawat sinuring pag-aaral. Lumabas din sa kasalukuyang pagsusuri ang ilan pang mga posibleng gawing pokus ng mga susunod na pananaliksik gaya ng kung paano ba tinitingnan ng mga mag-aaral ang responsibilidad ng mga guro sa online learning. Gayundin ang pagsipat sa tunay na esensya ng palagiang isinusulong na kolaboratibong gawain sa kabila ng magkakaiba ang estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Inaasahang makatutulong ang rebyung ito upang magsagawa ng buong pananaliksik ang mga guro lalo na't patuloy ang pagbabagong-bihis at disenyo ng pagtuturo at pagkatuto sa Pilipinas.
scite is a Brooklyn-based organization that helps researchers better discover and understand research articles through Smart Citations–citations that display the context of the citation and describe whether the article provides supporting or contrasting evidence. scite is used by students and researchers from around the world and is funded in part by the National Science Foundation and the National Institute on Drug Abuse of the National Institutes of Health.
customersupport@researchsolutions.com
10624 S. Eastern Ave., Ste. A-614
Henderson, NV 89052, USA
This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.
Copyright © 2024 scite LLC. All rights reserved.
Made with 💙 for researchers
Part of the Research Solutions Family.