This study has provided an analytical chemistry method to reveal the production technologies employed in lime mortar making from a Spanish Colonial Period fortification in Bacolod, Lanao del Norte, Philippines. Analytical techniques such as Energy Dispersive X-ray Fluorescence (EDXRF) and Thermogravimetric analysis (TGA) effectively provided general information on the chemical composition of the lime mortars and the hydraulic nature of the binder used. Mortar samples from different areas in the fort, were found to be made from a calcitic lime source possibly of marine shell origin. The hydraulic characteristic of both mortars is due to clay additives suggesting that local knowledge of this process is known during that period. The EDXRF and TGA techniques applied to the samples in this study will address the lack of systematic and detailed baseline chemical data on historical lime mortars in the Philippines and other Southeast Asian countries, which is vital for future conservation work in the ASEAN region.
Ang pag-aaral na ito ay nagbigay ng isang maupanuring-kimika na pamamaraan upang maipakita ang mga teknolohiya ng paggawa sa argamasa na apog mula sa isang kuta na itinayo noong panahon ng mga Kastila sa Bacolod, Lanao del Norte, Pilipinas. Ang mga ginamit na instrument sa pananaliksik tulad ng Energy Dispersive X-ray Fluorescence (EDXRF) at Thermogravimetric analysis (TGA) ay mabisang nagbigay ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa kemikal na komposisyon ng mga apog na argamasa at haydrolikong likas na ginamit. Ang mga argamasa na ginamit sa pagaaral na ito, na nagmula sa iba`t ibang mga parte ng kuta, ay natagpuan na ginawa mula sa isang calcitic na pinagmulan na maaring galing sa mga kabibe sa dagat. Ang haydrolikong katangian ng parehong argamasa ay dahil sa mga ihinalong luad na nagmumungkahi na ang lokal na kaalaman sa prosesong ito ay alam na ng mga gumawa nuong panahong iyon. Ang EDXRF at TGA na ginamit sa pagaaral na ito ay tutugon sa kakulangan ng sistematiko at detalyadong kemikal na datos sa mga makasaysayang apog na argamasa sa Pilipinas at iba pang mga bansa sa Timog-Silangang Asya, na mahalaga para sa gawaing kinabukasan ng konserbasyon sa rehiyon ng ASEAN.