Sa kasalukuyan, isa sa hamon ng mga guro ay ang pagtuloy ng pagbabago sa paraan ng pagtuturo. Nilayon ng pag-aaral na ito na malaman ang kahalagahan ng mimikring pangkalikasan sa pagtuturo para sa kindergarten ng paaralang Plaridel Elementary School, Distrito ng Albor 2023-2024. Ang pananaliksik ay gumamit ng palarawang pamamaraan, thematic analysis, at independent sample test. Napatunayan na ang paggamit ng mimikri ay may positibong implikasyon sa iba't ibang aspeto ng pag-unlad ng mga mag-aaral sa kindergarten, kabilang ang kanilang kasanayan sa wika, sosyal, kognitibo, at pisikal na Gawain. Ang napapanahong kamalayan sa pagtuturo ng Alfabeto para sa kindergarten ay mahalaga sa pagbigay ng matibay na pundasyon sa literasiya ng mga batang mag-aaral. Ang epektibong pagtuturo ng alphabeto ay dapat mabigyang-diin sa mga guro sa kindergarten, ang mimikri ay ginagamit at ito ay nakaakma sa kompetensi sa kurikulum. Kung saan ang mga bata ay nakikilahok sa iba’t ibang aktibidad na gumagamit ng kanilang pandama-tulad ng paningin, pandinig, at paggalaw-upang mapadali ang kanilang pag-unawa at memorya. Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga kasalukuyang hamon at pangangailangan sa pagtuturo ng alfabeto ay nagtitiyak na ang mga guro ay handa at epektibo sa paghubog. Panghuli, walang makabuluhang pagkakaiba ang kakayahan at kahalagahan ng mimikri sa makabagong panahon sa propayl ng mga guro at magulang ang natuklasan sapag-aaral na ito