Ginalugad nito ang karanasan ng mga guro sa Filipino bilang frontliner ng edukasyon sa panahon ng pandemya sa pagsabay sa mga pangangailangan ng bagong kadawyan. Sinuri rin nito ang hamon at motibasyon ng mga guro sa pagtuturo sa kasagsagan ng COVID-19 pandemya. Ginamit sa pag-aaral ang penomenolohikal na pananaliksik at Collaizi’s seven steps of data analysis. Labinlimang guro sa Filipino ang napili gamit ang purposive sampling at sinangguni upang magbahagi ng kanilang mga karanasan sa pagtuturo sa panahon ng pandemya. Natuklasan sa pag-aaral ang mga hamon sa pagtuturo gaya ng usad-pagong na internet connection, pagbuo, pagkolekta at pagwawasto ng modyul, banta sa pisikal at mental na kalusugan, at kakulangan sa gadget at iba pang learning resources. Samantala, ang motibasyon naman ng mga guro sa pagtuturo ay may temang mag-aaral ang puso ng pagtuturo, breadwinner si titser, kagustuhan at komitment sa sinumpaang propesyon, at pamilya ang lakas at sandigan sa pagtuturo. Kung kaya, ang motibasyon ng mga guro sa Filipino ay humihimok sa kanila upang paghusayan ang pagpapaabot ng kalidad na edukasyon sa kabila ng banta ng pandemyang COVID-19.