“…Kung pagtutuunan ng pansin ang nilalaman ng mga kaugnay na pag-aaral, matutuklasan na marami ang tumatalakay sa persepsyon at danas ng mga mag-aaral sa online learning. Umiikot ang mga ito sa iba't ibang pokus at dimensyon: sa panahon ng COVID-19 (Khan, Vivek, Nabi, Khojah, & Tahir, 2020); sa kagamitang panturo (Armstrong, 2011); estratehiyang panturo sa online classroom (Lowenthal & Dunlap, 2018); gamit ng isang partikular na online platform (Rojabi, 2020); tungkol sa pagtuturo ng guro (Tucker, Halloran, & Price, 2013); at pangkalahatang pagsusuri sa persepsyon ng mga mag-aaral (Nwankwo, 2015;Fidalgo, Thormann, Kulyk, & Lencastre, 2020;Kulal & Nayak, 2020;Yee, 2011;Huss & Shannon, 2013). Lubha itong marami kung ikukumpara sa mga pag-aaral na tumatalakay naman sa persepsyon ng mga mag-aaral sa face-to-face at online learning (Mather & Sarkans, 2018;La Piana, 2014;Bali & Liu, 2018;Otter, Seipel, Graeff, Boraiko, Gray, Petersen, & Sadler, 2013;Kemp & Grieve, 2014).…”