Ang pangunahing layunin ng pag-aaral ay makapagmungkahi ng sosyolohikal at pandiskursong estratehiya sa pagbuo ng tema ng Buwan ng Wika. Gumamit ng content analysis ang pananaliksik na ito sa pagsusuri ng mga datos mula sa iba't ibang website at website ng Komisyon sa Wikang Filipino. Saklaw ang mga tema noong panahon ng Milenyo. Inisa-isa ng pag-aaral ang mga pandiskursong estratehiya at sinuri rin ang tema batay sa lente ng sociology of knowledge nina Keller (2019) at Cole (2020). Lumabas sa pag-aaral na magkakatulad ang pandiskursong estratehiya na ginamit sa tema ng Buwan ng Wika tulad ng tono ng pagpapahayag, pagbabantas, bilang ng salita (sa sintaksis), at ang paulit-ulit na gamit ng salita. Nakita rin sa pagsusuri ang tatlong elemento ng kaalaman: aktor, produksyon at sirkulasyon. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na gamitin ang pandiskursong estratehiya at paglalapat na sosyolohikal para sa pagbuo ng tema ng Buwan ng Wika.